Ano Ang Ibig Sabihin Ng Nagmumurang Kamatis
Ano ang ibig sabihin ng nagmumurang kamatis
Answer:
Ibig Sabihin ng Nagmumurang Kamatis
Ang "nagmumurang kamatis" ay isang halimbawa ng sawikain. Ang ibig sabihin nito ay matandang nag-aayos binata o dalaga.
Ang mga taong nagmumurang kamatis ay nagsusuot ng mga pormahang pangbinata o pangdalaga sa kagustuhang magmukhang bata kaysa sa kanilang edad. Sila ay nagnanais na maging bagets parin sa kabila ng kanilang edad.
Explanation:
Sawikain
Ang sawikain ay mga pahayag na nagbibigay ng hindi tiyakang kahulugan ng bawat salita. Ito ay may ibang kahulugan.
Narito ang ilan pang halimbawa ng sawikain at kahulugan ng mga ito.
- agaw-buhay - naghihingalo
- balitang kutsero - hindi totoong balita
- magaan ang kamay - madaling manuntok, manapok, manakit
- magdilang anghel - magkatotoo sana
- magaan ang dugo - madaling makapalagayan ng loo
- pagkagat ng dilim - pag lubog ng araw
- taingang kawali - nagbibingi-bingihan
- may ipot sa ulo - taong pinagtaksilan ng asawa
- maputi ang tainga - kuripot
Para sa iba pang halimbawa ng sawikain, alamin sa link:
#LetsStudy
Comments
Post a Comment