Kababata Lll Ang Hapunan, Sino Ang Naupo Sa Kabisera Ng Hapag-Kainan

Kababata lll ANG Hapunan

Sino ang naupo sa kabisera ng hapag-kainan

Sa Kabanata III: Ang Hapunan ng Noli Me Tangere, si Crisostomo Ibarra ang naupo sa kabisera ng hapag-kainan habang ang sa kabilang dulo naman ay Padre Sibyla. Matatandaan na ayon sa kabanata, nagkaroon ng maliit na pagtatalo kung sino ang nararapat na umupo sa kabilang dulo ng hapag-kainan. Ang nagtatalo ay ang dalawang pari na sina Padre Sibyla at Padre Damaso.

Iminungkahi ni Padre Sibyla na si Padre Damaso ang nararapat na umupo sapagkat siya ang Padre Kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Ngunit ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang mas nararapat na umupo sa pwestong iyon sapagkat siya ang Kura Paroko ng bayan. Sa huli ay pumayag si Padre Sibyla.

Habang papaupo na ang kura paroko, nagkatinginan sila ng tinyente. At dahil doon, inalok ni Padre Sibyla ang kanyang pwesto sabay sabing, "Ginoong Tinyente, tayo ay nasa mundo at wala sa simbahan; sa inyo dapat ang upuang ito." Ngunit napansin ng tinyente na iba ang tono ng pananalita ng Pari at itinanggi ang alok. Ayaw din ng tinyente na maupo sa pagitan ng dalawang pari. Sa huli, si Padre Sibyla na talaga ang naupo sa kabilang dulo ng hapagkainan.

Para sa karagdagang kaalaman:

brainly.ph/question/2075265

brainly.ph/question/1194391

brainly.ph/question/1261588


Comments

Popular posts from this blog

Why It Is Important To Prepare Even Before A Typhoo Hits A Certain Locality?

Paano Mo Ma Ilarawan Si Paulita Gomez?

Ano Ang Katangian Ni Kapitan Heneral, Kapitan Tiyago, Hermana Penchang, Makaraig, Don Tiburcio Sa El Filibusterismo?